-- Advertisements --
trump crying

(Update) Mariing kinondina na ni US President Donald Trump ang naganap na pamamaril sa paaralan sa California.

Sinabi nito na isang napakabigat sa mga magulang ang nasabing pangyayari kung saan dalawa ang patay at tatlo ang nasugatan sa Saugus High Schools sa Santa Clarita sa North Los Angeles.

Isang 16-anyos na babae at 14-anyos na lalaki ang nasawi sa pamamaril.

Habang nasa pagamutan ang dalawang 14-anyos na dalagita at 15-anyos na babae.

Sinabi ni LA county sherriff Alex Villanueva na agad nilang nirespondihan ang nasabing barilan.

Kinilala ang suspek na si Nathaniel Berhow kung saan isinabay ang pamamaril sa kaniyang kaarawan.

Nagbaril din sa sarili ang suspek at nasa kritikal ang kondisyon.

Dahil sa pangyayari ay ipinasara ang maraming paaralan at maging ang kalapit na establishimento.