KORONADAL CITY – Aasahan umano ng mga otoridad ang mas malaking halaga ng pinsala na idinulot ng California wildfire na nananalasa ngayon sa ekta-ektaryang lupain.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Peter Jabido, maraming mga bahay, gusali, lupain at negosyo ang nilamon ng naturang kalamidad dahil sa mainit na panahon at sinabayan ng malawakang sunog.
Maging ang itinuturing na wine country ng estado na makikita sa Napa County ay hindi rin nakaligtas sa pananalasa ng wildfire.
Dagdag ni Jabido, out of control na ang sitwasyon sa ngayon at nagkukumahog ang mga bumbero upang apulahin ang sunog.
Paglalarawan pa nito, “the worst in the world” ang kalidad ng hangin sa ngayon at inabisuhan ang mga mamamayan na manatili sa loob ng bahay.
Tiniyak naman nitong walang Pilipinong nasugatan o namatay sa naturang kalamidad.