Umapela na rin ng tulong sa ilang mga bansa ang gobernador ng California upang tuluyan nang maapula ang malawakang wildfire sa kanilang estado.
Ayon kay California governor Gavin Newsom, nakikipag-usap na raw ito sa gobyerno ng Canada at Australia upang mangalap ng karagdagang suporta.
Tuloy-tuloy naman aniya ang ang pagdating ng tulong mula sa iba pang mga estado sa Amerika tulad ng dagdag na mga bumbero, makina at mga surveillance planes.
Paglalahad pa ni Newsom, maihahalintulad na raw ang lawak ng pinsala ng sunog sa kabuuang sukay ng estado ng Rhode Island.
“We simply haven’t seen anything like this in many, many years,” ani Newsom.
Sa ngayon, nasa mahigit 12,000 bumbero na raw ang kanilang ipinakalat para mapatay na ang apoy, na kumitil na rin sa buhay ng anim na katao.
Umabot na rin sa halos 200,000 mga residente ang sapilitang pinalikas. (BBC)