DAVAO CITY – Nagpa-alala ngayon ang otoridad na manatiling alerto para maiwasan ang disgrasya lalo na kung nasa trabaho.
Ito ay may kaugnayan sa insidente kung saan nahulog mula sa ikatlong palapag ang isang Call center agent trainee na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, nasa kanyang breaktime ang biktima na nakilalang si Kevin Perez Gallanero 37 anyos, residente ng Brgy. 39-D Trading Boulevard nitong lungsod at trainee ng Konektors Technologies Incorporated.
Sinasabing may hawak na sigarilyo ang biktima habang nasa smoking area ng gusali ngunit nahulog ito at plano sana niyang habulin ngunit tuluyan itong nahulog at bumagsak sa sementadong bahagi ng gusali.
Agad naman na rumesponde sa lugar ang mga personahe ng Central 911 para iligtas ang biktima ngunit nalagutan pa rin ito ng kanyang buhay matapos ang higit isang oras matapos isinugod sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).