-- Advertisements --


TUGUEGARAO CITY – Buhos na umano ngayong Martes Santo ang mga turista sa Callao Cave sa Peñablanca, Cagayan.

Ayon kay Teodolfo Babaran, cave supervisor, umaabot sa halos 1,000 turista na binubuo ng 800 local at 88 foreign ang naitala ngayong Abril lamang.

Tiyak aniya na mas marami ang dadayo sa susunod pang mga araw matapos na maging laman ng balita ang Callao Cave kaugnay sa pagkakahukay sa mga buto at ngipin ng mga sinaunang uri ng mga tao na nabuhay ng 67,000 ang nakalipas na tinawag na Homo luzonensis.

Dahil dito, mahigpit ang kanilang pagbabantay upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista at walang magkakalat sa loob ng kuweba at maging ang vandalism

Ayon sa kanya, tanging inuming tubig lang ang puwedeng ipasok sa kuweba at mahigpit na ipinagbabawal ang mga pagkain.