-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Dumarami umano ang mga siyentipikong interesadong pag-aralan ang mga nahukay na buto at ngipin ng mga tao na kung tawagin ay Homo luzonensis na pinaniniwalaang nabuhay 67,000 taon ang nakalipas sa Callao Cave sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.

Homo luzonensis
Homo Luzonensis/ photo by Florent Detroit

Ayon kay Atty. Ma. Rosario Mamba Villaflor, head ng Provincial Tourism Office, layon ng isasagawang pag-aaral ay upang mailagay na sa kasaysayan na mula sa lalawigan nabuhay ang sinaunang tao sa bansa.

Kasabay nito, maglalagay ang tanggapan sa provincial museum para sa kabuuang detalye ng kasaysayan ng lalawigan.

Sinibi ni Villaflor, sinisikap ng kanilang tanggapan katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na muling buhayin ang noo’y sinasabing dead cave para mas lalo pang makahikayat ng mga turista.

Kasabay nito, sinabi ni Villaflor na magiging strikto ang pagpapatupad ng rules and regulation sa nasabing kweba para mapanatili ang kalinisan sa lugar.

Samantala, umaasa si Villaflor na maipasa na ang 2019 provincial budget para magawa ang mga nakapilang proyekto para sa ikagaganda sa nasabing lugar.