-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isa sa mga aktibidad na dapat abangan ngayon ng mga Cotabateño ay ang Calle MSME Tabuan kung saan magiging tampok dito ang mga produkto mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Cotabato.

Ayon kay Calle MSME Tabuan Focal Person Norito Mazo, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pinaigting na programa ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na mabigyang prayoridad ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na makilala ang kanilang produkto hindi lamang sa probinsya kundi pati na rin sa mga karatig lugar.

Ang MSME Tabuan ay pormal na magbubukas sa Biyernes, Agosto 26, 2022 kung saan isa ito sa mga highlights sa unang araw ng Kalivungan Festival 2022 na may temang: ” Matatag na Cotabato: Susulong sa anumang Hamon.