-- Advertisements --
Itinalaga bilang pansamantalang presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Caloocan Bishop Virgilio David.
Papalitan muna ni David sa puwesto si CBCP president at Davao Archbishop Romulo Valles.
Sinasabing nagpapagaling pa si Valles sa Davao City makaraang makaranas ng stroke noong May 21.
Kung maalala si Bishop David ay kabilang sa mga kritiko ng Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa isyu ng anti-drug campaign.
Nito lamang unang bahagi ng taong kasalukuyan, kabilang si David sa mga personalidad sa oposisyon na inabswelto ng DOJ sa kasong inciting to sedition dahil sa kakulangan ng ebidensiya ng PNP-CIDG.
Ang obispo ay kapatid ng sociologist at columnist na si Randy David .