Opisyal ng sinimulan ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang kanyang termino sa panunungkulan bilang presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Si David ang humalili kay Archbishop Romulo Valles ng Archdiocese of Davao.
Siya ay mahigpit na kritiko sa giyera ng administrasyong Duterte laban sa illegal na droga.
Noong 2019, isang reklamong “sedition” ang inihain laban sa kanya at sa ilang lider ng simbahang Katolika at mga personalidad sa pulitika na kilalang kritiko ng administrasyong Duterte.
Sa huli ibinasura rin naman ng korte ang walang basehang alegasyon.
Ipinanganak si David sa Guagua, Pampanga.
Siya ay naordinahan bilang pari noong Marso 12, 1983 para sa Archdiocese of San Fernando.
Noong 2006, hinirang siya ni Pope Benedict XVI bilang Titular Bishop ng Guardialfiera at Auxiliary ng San Fernando.
Itinalaga siya ni Pope Francis bilang obispo ng Caloocan noong Setyembre 14, 2015.
Ang bise presidente ng CBCP ay si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara.
Ang mga opisyal, na nahalal noong unang bahagi ng taong ito, ay may dalawang taong panunungkulan at posibleng pangalawang termino.