-- Advertisements --
Tiniyak ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na matuturukan ng COVID-19 ang lahat ng kaniyang kababayan ngayong taon.
Ayon sa alkalde na naglaan sila ng P125 million na pondo para sa pagbili ng bakuna.
Dagdag pa nito na ang karagdagan pondo kung sakaling kulangin ang ilalaan ng national government.
Nakahanda na rin aniya sila para sa pag-utang ng P1 billion na karagdagang pondo kung magkulang muli ang inilaan nilang pondo.
Nilinaw din nito na hindi siya bibili ng COVID-19 vaccine na hindi aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA).
May mga pharmaceutical companies na rin silang sinulatan sa pagbili ng nasabing bakuna.