Magpapatupad na rin ng adjusted class schedule ang mga pampublikong paaralan sa Caloocan LGU sa susunod na Linggo.
Sa gitna ito ng mararanasang matinding init ng panahon na nararanasan sa ilang bahagi ng bansa.
Batay sa inilabas na adjustment schedule ng lokal na pamahalaan, kabilang ang mga estudyante sa Kinder hanggang Senior High School sa naturang adjustment sa darating na Abril 8-12, 2024.
Ayon sa Caloocan Schools Divisions Office, ang mga pang-umaga ay kailangang pumasok sa face to face class mula 6am-11:30am ng Lunes, Martes, at Biyernes (6am-9am), habang asynchronous naman tuwing Miyerkules at Huwebes.
Paliwanag ng dibisyon na depende pa rin sa sa mga namumuno ng mga pangpribadong paaralan ang pagsususpende ng pasok sa kani-kanilang eskwelahan para tugunan ang epekto ng init sa kanilang mga mag-aaral.