-- Advertisements --

caloocan4

Sinibak na sa pwesto ni Caloocan City Police chief Col. Samuel Mina ang commander ng Police Community Precint Station 9 na si Maj. Harold Aaron Melgar bunsod sa nangyaring mass gathering sa Gubat sa Ciudad resort nitong nakalipas na weekend sa kabila na nasa modified enhanced community quarantine ang NCR Plus.

Ayon kay Mina kaniyang itinalaga si Lt. Ronald Jasmin Battala bilang bagong Station 9 commander kapalit ni Melgar na mananatili sa office of the chief of police.

Inatasan na rin ni Mina ang lahat ng kaniyang station commanders na magsagawa ng inspection sa kani-kanilang mga areas of responsibility lalo na sa iba’t ibang business establishments.

Kinasuhan na rin ng PNP ang may-ari ng resort at maging ang chairman ng Barangay 171 na si Romeo Rivera.

“Appropriate charges will be filed today for the owner and managementb of the resort as well as to the barangay 171 captain through the city legal office/ local task force of Caloocan City with the support of Caloocan PNP,” wika pa ni Col. Mina.

Kinumpirma din ni Mina na kanila ng sinimulan ang contact tracing sa mga indibidwal na nagtungo sa nasabing resort.

Pero malaking hamon din ito sa PNP dahil ang mga cellphone numbers, pangalan at address na inilagay ng mga ito sa contact tracing form ng resort ay hindi gumagana.

Tinatayang nasa 300 indibidwal ang nagtungo sa resort para mag swimming.

Ayon kay Mina sa ngayon ang mga nakatira sa Bulacan ang kanilang na trace.

Sinabi ng opisyal may mga residente na mula sa ibang siyudad ang dumayo sa nasabing resort sa Bulacan.

Panawagan ni Mina sa mga resort goers na mag self quarantine na at sumailalim sa RT-PCR test.