-- Advertisements --

Mauunang magpapatupad ng kanilang big time oil price hike ang kompaniyang Caltex Philippines simula na ngayong alas-12:01 ng madaling araw.

Una nang iniulat ng mga kompaniya ng langis ang malakihang taas sa presyo ng krudo na aabot sa P6.85 kada litro, habang ang kerosina naman ay nasa P3.50 bawat lito at nasa P1.20 naman ang taas kada litro sa gasolina.

Bukas naman ng alas-6:00 ng umaga mag-iimplementa ng kanilang oil price hike ang Shell Philippines, gayundin ang SeaOil, PTT Philippines, Jetti Petroleum, PetroGazz, at EuroDiesel.

Habang ang Clean Fuel ay bukas pa ng alas-8:01 ng umaga magpapatupad ng oil price increase.