-- Advertisements --
Walang balak ang Phoenix na i-trade sa ibang koponan si Calvin Abueva.
Sinabi ni Phoenix Fuel Master team governor Raymond Zorilla, na nakakontrata pa rin sa kanila si Abueva kahit na ito ay suspendido ng PBA.
Hinihintay lamang nila ang desisyon ng PBA para maibalik sa paglalaro si Abueva.
Tinawag na isang fake news ang kumalat na balita na nagbabalak na lumipat sa ibang koponan si Abueva.
Magugunitang suspendido si Abueva dahil sa naging girian nila ni TNT import Terrence Jones noong Hunyo at ang sagutan nila ng kasintahan ni Bobby Ray Parks Jr.