Inulat ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na nasa 83% ang completion stage na ang Caloocan-Malabon-Navotas Water Reclamation Facility.
Ang proyektong ito ay may katumbas na halaga na aabot sa P10.5-B at matatagpuan sa Maypajo, Caloocan.
Layon ng proyektong ito na maging maayos ang sewerage services.
Ayon sa kumpanya, ito’y sa pamamagitan ng pagsasailalim araw-araw sa kaukulang proseso sa 205 million litters ng wastewater.
Inaasahang maseserbisyuhan ng naturang proyekto ang mahigit 1.2 million custumer sa naturang area.
Makatutulong rin ito pata maging maganda ang mga daluyan ng tubig sa South Caloocan, Malabon at Navotas maging ang paglilinis ng tubig sa bahagi ng Manila Bay.
Sa susunod na taon ay target na matapos at mabuksan ang naturang proyekto.