-- Advertisements --

NAGA CITY – Inaasahang magpapatupad na ng total decampment ang lahat ng mga local government units (LGUs) ng Camarines Sur.

Nabatid na una nang nagpatupad ng decampment ang mga bayan ng Milaor, Minalabac, Pasacao, San Fernando, Canaman, Buhi, Tinambac, Bula at Iriga City.

Habang inaasahan namang bumalik na sa kani-kanilang mga lugar ang natitirang mga evacuues mula sa mahigit 30 bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lizel Macatangay ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council-Camarines Sur (PDRRMC-CamSur), sinabi nitong nakapagtala ng kabuuang 21,416 pamilya o 82,762 katao mula sa 493 barangay ng 36 bayan ng lalawigan na nasa high risk areas.

Ayon kay Macatangay, halos lahat ng mga LGUs ang nagpatupad ng mandatory evacuation base sa kautusan ni Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte.

Sa ngayon, ayon kay Macatangay, magpapatuloy parin ang monitoring at assessment ng mga ahensya ng pamahalaan sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.