-- Advertisements --
Lubog pa rin sa baha ang maraming bayan sa lalawigan ng Camarines Sur dahil sa matinding epekto ng bagyong Kristine.
Dahil dito ay patuloy naman ang panawagan ni Camarines Sur Representative Migz Villafuerte para sa karagdagang rubber boat at kayak upang magamit nila sa kanilang relief at rescue operation sa mga residenteng apektado ng bagyo.
Sa ngayon ay patuloy naman ng kanilang paghahanap ng malalaking supermarket dahil nagkakaubusan na rin ng mga groceries.
Batay sa datos, aabot na sa 30 rubber boats ang ipinadala ng opisina ni Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Party-list.
Dumating ang ikatlong batch ng rubber boats na aabot sa 15.
Naihatid na rin sa probinsya ang naunang 17 rubber boats na hinati sa dalawang batch.