Nakahanda ang Cambodia na mag-export ng bigas sa Pilipinas na magmumula sa sobra nito bilang bahagi ng pagsisikap ng dalawang bansa na palakasin ang kanilang relasyon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang pangako ng Phnom Penh ay nagsimula nang mag-courtesy call si Philippine Ambassador to Cambodia Flerida Ann Camille Mayo kay Prime Minister Hun Manet noong Hulyo 16.
Ayon pa sa ahensya, nakatuon ang kanilang pagpupulong sa mutual interest ng dalawang bansa, kabilang ang economic partnerships, defense and security engagements, at people-to-people ties.
Samantala, sinabi ni Mayo na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa Cambodia sa pagpapatupad ng batas, partikular na sa pamamagitan ng magkasanib na pagbuo ng mga standard arrangement para sa rescue at repatriation ng mga Pilipinong biktima ng human trafficking at cyber scam operations sa loob ng umiiral na Memorandum of Understanding on Cooperation sa Paglaban sa Transnational Crime.