Patay ang 19 anyos na estudyante makaraan mahulog mula sa sasakyang panghimpapawid matapos ang isinagawang pag-aaral sa isang liblib na lugar sa Anjajavy, Madagascar noong huwebes.
Nakilala ang biktima na si Alana Cutland, 19, ng Milton Keynes, Buckinghamshire, second year student sa University of Cambridge, ng kursong Natural Sciences, at magtatapos sana sa taong 2020.
Ayon sa mga magulang ni Alana, una na silang nabigay ng tribute para sa anak kung saan inalala nila ang kanyang pananabik sa ginagawa nitong pag-aaral sa isla ng Indian Ocean.
Inilarawan nila ito bilang matalino, independent, isang taong sinusunggaban ang lahat ng oportunidad na makakatulong para sa kanyang kaalaman at karanasan sa abot ng kanyang makakaya.
Sa panig naman ng Robinson College, Cambridge University, sinabi ni Dr. David Woodman, na isang nakakabiglang balita ang pagkawala ni Alana.
Siguradong maalala nila ito lalo na ang kanyang naging kontribusyon sa iba’t-ibang aspeto ng buhay.