Ibinunyag ng dating Hollywood actress Cameron Diaz ang dahilan ng pagreretiro niya.
Isinagawa nito ang pahayag sa online show ng kapwa actress na si Gwyneth Paltrow na “In goop Health: The Sessions”.
Sinabi ng 47-anyos na actress na nagdesisyon ito dahil nais niya na magkaroon ng kakaiba sa kaniyang buhay.
Marami na rin aniya siyang pinagdaanan sa paggawa ng pelikula at tila nawala na rin ito ng panahon sa kaniyang sarili.
Mula aniya ng umalis siya sa showbiz ay nagkaroon na ito ng kapayapaan at naalagaan na rin niya ang sarili.
Umabot sa 20 taon ang showbiz life nito mula 1994 hanggang 2014.
Nakilala siya sa pelikulang “The Mask” noong 1994, “There’s Something About Mary” noong 1998 at “Vanilla Sky” noong 2001.
Naglabas na rin ito ng dalawang libro na “The Body Book” at “The Longevity Book” kung saan ikinasal ito sa Charlotte singer na si Benji Madden noong 2015.