Ilang araw matapos ang matagumpay na kampanya sa 5X5 men’s basketball sa Paris Olympics, nagtungo si Philadelphia 76ers bigman Joel Embiid sa kanyang home country na Cameroon.
Ito ay upang personal na tanggapin ang Order of Valor na iginawad ng kanyang kinalakhang bansa.
Pinangunahan ni Cameroon President Paul Biya ang paggawad sa pagkilala habang nanonood ang mga fans ng dating NBA MVP.
Ang naturang medalya ay ibinibigay ng Cameroon sa mga mamamayan nito na may ‘exceptional’ contribution sa larangan ng pag-arte, agham, agrikultura, at komersyo.
Si Embiid ay ang pangatlong native ng Cameroon na nagawang makapaglaro sa NBA. Sa tatlong Cameroonians, si Embiid ang may pinakamataas na draft selection bilang 3rd overall noong 2014.
Hawak niya ang isang MVP, pitong All-Star, dalawang scoring champ title, at pinangunahan ang Sixers sa pitong playoff appearance.