-- Advertisements --
Kinumpirma ng Cameroo ang paggamit ng COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca.
Nakatakda kasing makatanggap ng ilang doses ng nasabing bakuna ang bansa sa darating na Marso 20 bilang bahagi ng global vaccine sharing scheme na COVAX.
Ayon sa health ministry ng bansa na nag-iingat na lamang sila para sa kapakanan ng kanilang mamamayan.
Hindi naman ito nagbigay ng ibang rason kung itutuloy ba nila ang pagtanggap ng delivery ng nasabing mga bakuna.
Nauna ng nagsuspendi ang ilang bansa sa paggamit ng nasabing bakuna matapos ang naitalang insidente ng blood clotting subalit matapos ang ginawang pag-sisiyasat ng Europe Medical Authority (EMA) kaya itinuloy nila ang paggamit ng nasabing bakuna.