-- Advertisements --
Napanatili ni Francis Ngannou ang kaniyang heavyweight title sa UFC 270 matapos na talunin si Criyl Gane.
Nakuha ng 35-anyos ang unanimous decision sa laban na ginanap sa Honda Center sa Anahem.
Bagamat nahirapan si Ngannou sa unang round ay nakabawi naman ito pagpasok ng ikalawang round at tuluyang tinalo ang interim UFC heavyweight champion.
Inamin ng Cameroonian fighter na mayroon itong iniindang injury sa kaniya sa tuhod.
Inirekomenda pa ng mga doktor na umatras na lamang sa laban subalit ipinagpatuloy pa rin niya ito.
Mayroon na itong record na 17 panalo at taltong talo habang si Gane ay mayroong 10-1.