-- Advertisements --

Hindi na kabilang pa ang mga isla ng Camiguin at Dinagat sa mga lugar sa Mindanao na ipinagbabawal ng gobyerno ng Canada na puntahan ng kanilang mga kababayan.

Batay sa inilabas na updated Travel advisory ng Canada noong Mayo 1, 2024 ay wala na listahan ng kanilang travel restriction sa Mindanao ang naturang mga isla matapos na makapasa ang mga ito sa kanilang naging pagsusuri sa Security status ng naturang mga lugar.

Bukod dito ay ibinaba rin sa kategoryang “avoid non-essential travel” ang mga lalawigan ng Bukidnon at Misamis Oriental na dating kabilang sa “Avoid all travel” category Sa unang travel advisory na inilabas nito noong Enero.

Gayunpaman ay patuloy pa rin inabisuhan ng Canadian government ang mamamayan nito na mag-ingat o iwasan hangga’t maari ang pagpunta sa Mindanao nang dahil pa rin sa mga banta ng terorismo, krimen, at mga rebelde sa ilang bahagi nito.

Samantala, sa ngayon ay kabilang pa rin ang mga lalawigan ng Cotabato, Basilan, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Maguindanao, Misamis Occidental, Sarangani, South Cotabato, Sulatnm Kudarat, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay sa mga lugar na ibinabala ng Canadian government na iwasan munang puntahan.