-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Camilla, Duchess of Cornwall.

Kinumpirma ito ng Clarence House apat na araw matapos na ang asawa nitong si Prince Charles ay nagpositibo sa COVID-19.

Kasalukuyan na itong naka-self isolate at mahigpit na sinusunod ang panuntunan ng gobyerno.

Nagtaka lamang sila dahil sa tatlong beses na itong nabakunahan at patuloy nitong sinusunod ang government guidelines.

Magugunitang noong Pebrero 10 ay nagsimulang mag-isolate ang 73-anyos na si Prince Charles matapos na dalawang beses na itong dinapuan ng COVID-19.

Taong 2005 ng ikasal sina Charles at Camilla kung saan nais nitong tawagin bilang “Princess Consort” kahit na may karapatan itoo sa titulo na maging reyna.