ILOILO CITY – Nagpapatuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine Army matapos nakuha ang campaign materials ng isang partylist kasunod ng kanilang pagkubkob sa kuta ng mga New People’s Army (NPA) sa Sitio Agilan, Barangay Panuran Lambunao, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. Col. Joel Benedict Batara, commanding officer ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army, sinabi nito na nagulat sila ng makita ang campaign materials ng AAMBIS-OWA partylist sa kuta ng mga rebelde.
Dala ng mga hindi bababa sa 10 mga rebelde sa kanilang pagtakas ang mga high powered firearmas at ang naiwan lang ay ang kanilang mga gamit sa pagluluto, mga damit at iba pang personal na mga gamit
Matandaan na una nang kinumpirma ni Police Regional Office (PRO) Director Police Brig. Gen. John Bulalacao ang kauganayan ng mga Garin sa mga rebelde.
Nalagay din noon sa kontrobersiya si Iloilo 1st District Rep. Richard Garin matapos tinakot nito si Police Staff Staff Sergeant Federico Macaya Jr, dating imbestigador ng Guimbal Municipal Police Station na ipapapatay siya nito sa mga NPA matapos niyang duraan sa mukha at gulpihin sa plaza sa bayan ng Guimbal, Iloilo.
Habang tinututukan naman nito ng armas ang kanyang ama na si Guimbal Mayor Oscar Garin.