-- Advertisements --

commandcon2

Makikipag-ugnayan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga ipatutupad na health protocols sa panahon ng kampanya.

Ayon kay PNP Chief Lt.Gen. Dionardo Carlos kailangang may malinaw na guidelines ang PNP kung ano ang mga pinahihintulutang aktibidad sa kampanya sa ilalim ng iba’t ibang alert Level.

Sa oras na may guidelines na aniya ay agad nila itong ipatutupad.

Paalala naman ni Lt. Gen. Carlos, ang pagbaba ng kaso ng Covid 19 sa bansa ay hindi dahilan para magpabaya na sa pagsunod sa minimum Public Health standards.

Nanawagan naman PNP Chief sa mga kandidato na pulungin ang kanilang mga supporter at Campaign staff para planuhin kung paano maisasagawa ang kanilang kampanya na Hindi lumalabag sa Health protocols.

” We will be discussing this matters with the Inter-agency Task Force the soonest time possible, guidelines should be established so that we will have a clear guide on what are the activities allowable depending on the alert level status in a specific place, as soon as there will be guidelines we will immediately comply and implement,” pahayag ni Lt.Gen. Carlos.