Mariing tinututulan ng mga health officials sa Virginia ang pinaplanong campaign rally ni US President Donald Trump sa naturang estado.
Sa isang sulat ay inihayag ni Dr. Natasha Dwamena, director ng Oublic Health district sa West Virginia, na malinaw umano itong paglabag sa patakaran ni Gov. Ralph Northam’s na nagbabawal sa mass gathering ng mahigit 250 katao.
Inaasahan kasi na aabot ng 4,000 supporters ng Republican president ang dadalo sa naturang campaign rally para ipakita ang kanilang suporta sa muling pagtakbo ni Trump bilang pangulo ng Amerika.
Ayon kay Swamema, kailangang kanselahin, i-reschedule o di kaya naman ay bawasan ang bilang ng mga taong papayagan pumasok sa Williamsburg International Airport kung saan gaganapin ang campaign rally.
Posible raw kasi na dahil dito ay mas lalo pang tumaas ang kaso ng coronavirus sa West Virginia. Sa ngayon ay mayroon ng 14,706 kumpirmadong kaso ng deadly virus sa Virginia at nasa 400 naman ang namatay.