-- Advertisements --
NAGA CITY- Nagbanta si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte na maaaring maharap sa parusa ang sinumang alkalde na hindi tatalima sa memorandum na kaniyang ipinalabas hinggil sa mandatory evacuation ng mga residente na nasa prone sa landslides at flashfloods.
Ito ay kaugnay ng pagtaas sa Tropical Cyclone Wind Signal number 3 ng bagyong Ambo sa probinsiya na posibleng magdala ng malakas na pag-ulan at pagbaha.
Ang naturang kautusan ay ibinaba nitong Huwebes bilang pre-emptive measure sa banta na dala ni bagyong Ambo.
Samantala, nakafull-alert na rin ngayon ang Police Regional Office (PRO5) bilang bahagi ng pagtugon sa mga hindi inaasahang pangyayari sa Bicol region bunsod ng naturang bagyo.