(UPDATE) NAGA CITY- Pinayagan nang makauwi sa kani-kanilang tahanan ang halos nasa 17,759 na pamilyang lumikas matapos manalasa ang bagyong Quinta sa probinsya ng Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Estel Estropia, tagapagsalita ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)- Camarines Sur, sinabi nito na sa ngayon halos nasa 8,000 na pamilya na lamang umano ang nanatili sa mga evacuation centers.
Ayon kay Estropia, ang nasabing mga evacuees ay mula sa mga lugar na nasa high risk area kung saan ito ang mas tinutukan ng ahensya.
Nabatid na umabot narin sa 19 bayan sa probinsya ang patuloy paring nakakaranas ng pagbaha habang halos nasa 27 bayan naman ang nawaalan ng supply ng kuryente sa probinsya.
Sa ngayon nanatili naman na zero casualty ang probinsya ng Camarines sur, habang patuloy namang hinihintay ang ilan pang mga report mula sa iba pang mga bayan.