-- Advertisements --
NAGA CITY- Itinaas na sa Red Alert Status ang lalawigan ng Camarines Sur dahil kay Tropical Depression Ofel.
Sa ibinabang memorandum ni Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte, nakasaad dito ang implementasyon ng No Sailing Policy gayundin ang pagsasagawa ng pre-emptive evacuation sa mga pamilyang maaaring maapektuhan ng pananalasa ni Bagyong Ofel.
Kaugnay rin nito ay ang pagtiyak sa pagsunod sa minimum public health standards ng mga evacuation centers dahil pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic.
Samantala, inaatasan rin ang lahat ng Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMC’s) na i-activate ang kanilang Emergency Operations Center (EOC) gayundin ang Incident Management Team (IMT) para sa paghahanda sa naturang bagyo.