-- Advertisements --
NAGA CITY – Pinarangalan ngayon ng Department of Education (DepEd) ang Camarines Sur Teachers’ Choir matapos mag-uwi ng medalya sa 4th North Sumatra International Choir Competition sa Parapat, Sumatra, Indonesia.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Department of Education (DepEd) Bicol Regional Director Dr. Gilbert Sadsad, sinabi nitong labis ang kanyang kasiyahan sa tagumpay na naabot ng naturang mga guro mula sa CamSur.
Ayon kay Sadsad, nanalo ang mga ito ng isang silver medal sa church music at gold medal naman sa mixed choir category.
Dagdag pa nito, wala umano silang maibigay na tulong pinansyal subalit nandyan sila parati para sa moral support at para ipagdasal ang mga ito sa anumang aktibidad na pinapasok ng grupo.