-- Advertisements --

Nangako ng pagsuporta sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau at European Commission President Ursula von der Leyen para sa mga Ukrainians refugees na umaalis sa kanilang bansa nang dahil sa nagaganap na kaguluhan doon.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Trudeau na sa ngayon ay nasa mahigit 14.000 na mga refugee na ang kasalukuyang kinukupkop ng kanilang bansa at tuluy-tuloy lamang anila sila sa pagtulong sa iba pa.

Habang nagpahayag naman ng kagalakan su von der Leyen dahil aniya sa mabubuting puso ng European people na bukas-palad na tumatanggap ng mga sibilyan mula sa Ukraine tulad na lamang ng mga bansang Poland, Hungary ,Czech, Slovakia, Romania, Bulgaria, at iba pa.

Sa datos ng United Nations, sa ngayon ay nasa mahigit 4.5 million Ukrainians na ang tumakas sa kanilang bansa, habang nasa mahigit 2.5 million naman dito ang sumilong sa Poland.

Samantala, sinabi naman ng Canadian Prime Minister na kinakailangan na magsagawa nang mas matinding pagtugon ang global community hinggil sa mga alegasyong hindi matatawaran at hindi katanggap-tanggap na ginagawa ng Russia sa Ukraine kung saan gumagawa ng mass murder at sexual viokence sa mga sibilyan ang mga sundalong Russo.