Pinatibay ng Pilipinas at Canada ang kanilang defense cooperation sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of understanding (MOU) sa pakikipagtulungan sa usapin ng depensa.
Ikinatuwa ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang pangako ng dalawang bansa na palalimin at patatagin ang kanilang relasyon.
Nilagdaan ang naturang kasunduan sa tanggapan ng Department of National Defense kasama si Ambassador of Canada to the Philippines David Bruce Hartman.
Ang paglagda sa MOU, na kasabay ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relation sa pagitan ng Pilipinas at Canada ngayong taon, ay nagpapasimula ng kooperasyon sa pagitan ng mga establisimiyento ng depensa at militar ng Pilipinas at Canada.
Ipinangako ni Teodoro ang pangako ng DND sa ganap na pagpapatupad ng MOU, alinsunod sa layunin na palakasin ang pakikipagsosyo nito sa pagtatanggol sa mga katulad na estado.
Ipinarating din ni Hartman ang intensyon ng Canada na isulong ang relasyon nito sa Pilipinas at sa rehiyon gaya ng nakabalangkas sa Indo-Pacific Strategy ng Canada.