-- Advertisements --
image 122

Nakiisa ang Canada at the United Kingdom sa pagkondena sa nangyaring pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa may Ayungin shoal.

Ayon sa British Embassy sa Maynila, nababahala ang the UK sa napaulat na hindi ligtas na gawain sa mga barko ng Pilipinas sa nangyaring insidente kamakailan sa pinagtatalunang karagatan. Ang naturang aksiyon aniya ay nagpapakita ng seryosong banta sa kapayapaan at stability sa rehiyon.

Sinabi din nito na nananatiling matapat ang the UK sa commitment nito sa international law partikular na sa United Nations Convention for the Law of the Sea (UNCLOS) sa naturang karagatan.

Ibinahagi din ni Canadian Ambassador to the Philippines David Bruce Hartman na kinokondena ng Canada ang mapanganib at provocative action ng China Coast Guard laban sa mga barko ng Pilipinas noong Agosto 5 sa may bisinidad ng Ayungin shoal sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Tinawag din nito ang naging hakbang ng China bilang isang reckless action at nanindigan na ganap na kaisa ng Pilipinas ang Canada sa paninindigan sa rules-based international order.

Iginiit din nito na hindi katanggap-tanggap at inconsistent sa obligasyon ng China sa ilalim ng international law ang hindi ligtas na pagmaniobra at paggamit nito ng water cannons para pagbawalan ang mga lehitimong operasyon ng mga barko ng Pilipinas.

Nagpahayag din ng suporta ang Canada envoy sa 2016 Arbitral Tribunal ruling na nagbabalewala sa claims ng China sa mayamang disputed waters at umapela sa China na sumunod sa mga obligasyon nito sa ilalim ng international law.