-- Advertisements --
Wuhan patients
Packed hospital in Wuhan City (video grab)

LAOAG CITY – Business as usual pa rin ang bansang Canada kahit may naitala nang kauna-unahang kaso ng coronavirus sa Toronto.

Sa ulat ni Rowena Valentin, tubong Piddig, Ilocos Norte perso kasalukuyang naninirahan sa Toronto, Canada, kung tutuusin ilan lamang ang nakikita niyang gumagamit ng face mask.

Aniya, nabibilang lamang ang nakikita niyang naka-face mask at pawang mga Chinese pa.

Sinabi pa niya na normal pa rin ang sitwasyon sa Toronto dahil may tiwala ang mga tao sa gobyerno nila na kayang tugunan ang nasabing kaso.

Subalit umaasa si Valentin na hindi na madagdagan pa ang naitalang kaso ng coronavirus sa Toronto, Canada.