-- Advertisements --

Inanunsyio ng Canada ang kanilang retaliatory tariffs laban sa US.

Ang nasabing hakbang ay pagsisimula ng trade wars sa pagitan ng magkatabing bansa.

Ayon kay Canadian Prime Mnister Justin Trudeau na mayroong 25 percent na ipapataw nitong taripa sa mga produkto ng US gaya ng beers, wines, household appliances at mga sporting goods.

Dagdag pa ni Trudeau na tinapatan lamang nila ang hakbang na ipinatupad ng US laban sa Canada at Mexico at ang dagdag na 10% na taripa sa China.

Giit pa ng Canadian Prime Minister na hindi siya susuko sa paglaban sa mga mamamayan nito pero nagbabala ng negatibong kakaharapin sa mga taong nasa border ng bawat bansa.

Ang taripa sa 30 bilyon na halaga ng mga produkto ng US ay ipapatupad sa araw ng Martes at dagdag na 125 bilyon sa 21 araw para mabigyan ng panahon namakapag-adjust ang mga negosyante mula sa Canada.

Magugunitang kaya ipinatupad ni Trump ang pagpataw ng mga taripa dahil sa pangamba laban sa iligal immigrations at drug trafficking.