-- Advertisements --
Inaprubahan ng Canada ang Novavax Inc. COVID-19 vaccine para sa mga taong may edad 18 pataas.
Ito na ang pang-limang bakuna na gagamitin sa nasbing bansa.
Ayon sa Health Canada na wala pa silang datus kung epektibo ba ang nasabing bakuna sa mga may edad 18 pababa.
Gumagamit kasi ang Nuvaxovid ng mas matibay na teknolohiya kaysa sa mRNA na karamihang ginagamit sa COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer-BioNTech at Moderna.
Umaasa ang mga eksperto sa Canada na sa nasabing bakuna ay makakakumbinsi sila ng mas maraming mga tao na takot o ayaw magpabakuna.