-- Advertisements --
Inaprubahan ng Canada ang pagbili ng Moderna coronavirus vaccine.
Ayon sa health ministry ng Canada, na nakatakda silang bumili ng 168,000 na doses ng bakuna hanggang sa katapusan ng taon.
Nitong nakaraang linggo ay nagbigay na rin ng go-signal ang Canada sa Pfizer vaccine na sinimulang iturok sa mga health workers at sa mga may edad.
Isinagawa ang pag-apruba matapso ang masusing pag-aaral kung saan naabot ng Moderna ang safety, efficacy at quality requirements ng Canada.
Pumapalo na kasi sa 521,509 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa Canada na mayroong 14,425 na ang nasawi.