Gumagawa na ng paraan ang Canada para macontrol ang dami ng student immigrants sa bansa.
Ayon kay, Canada Immigration Minister Marc Miller mistulang napapabayaan na ang dagsaang pumapasok na international students sa bansa.
Itinuturing na temporary residents ang mga international students sa Canada.
Kung hindi makokontrol ang dami, magreresulta ito sa housing shortage na unti-unti nang nararanasan ng Canada sa kasalukuyan.
Karaniwang nasa 800,000 ang nadadagdag na student immigrants sa naturang bansa, habang inaasahang tataas pa sa 900,000 ang mag-eenrol ngayong taon.
Maaaring umabot sa 500,000 na karagdagang temporary residents kung hindi makokontrol ang dami ng mga pumapasok na international students sa Canada.
Pagsubok para sa mga Pinoy na gustong mag-aral sa Canada ang pinaplanong paghihigpit sa international students.
Ang Pilipinas ang ikalawa sa pinakamaraming populasyon ng international students sa bansa.
Aabot sa 950,000 ang mga Pilipino o Filipino-Canadian na nag-aaral sa Canada as of 2023.