Magbibigay ng donasyon ang gobyerno ng Canada na nagkakahalaga ng 350,000 canadian dollars o katumbas ng P14.5 million para sa humanitarian aid para sa mga biktima ng baha at landslides na tumama sa ilang lugar sa Mindanao.
Ayon sa Embahada ng Canada na nakabase sa Maynila, magmumula ang naturang halaga mula sa Canadian Humanitarian Assistance Fund.
Makakatulong ang naturang aid para sa emergency water, sanitation, hygiene services gayundin sa pamamahagi ng multipurpose cash at non-food items para sa mga apektadong komunidad.
Una rito, mahigit sa 455,000 pamilya na at ilang indibdiwal na ang napaulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng amihan at trough ng low pressure area na nagdulot ng malawakang pagbaha at landslide sa ilang parte ng Mindanao.