-- Advertisements --

Hindi na umano pasasakayin sa alinmang uri ng transportasyon sa Canada ang sinumang magpapakita ng sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa anunsyo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, hindi na umano papayagang makasakay sa lahat ng domestic flights at intercity passenger trains ang mga indibidwal na makikitaan ng sintomas ng sakit.

“As of Monday at noon, people showing any signs whatsoever of COVID 19 will be denied boarding on all domestic flights and intercity passenger trains,” wika ni Trudeau.

Patuloy naman aniya ang panghihikayat ng mga opisyal sa mga mamamayan na manatili muna sa kanilang mga bahay, lalo na kung nagkakaroon o nagkaroon na ng sintomas ng virus.

“You need to stay home, you need to isolate, you need to not travel,” ani Trudeau.

Ayon pa sa opisyal, bagama’t nirerespeto ng mga Canadians ang travel restrictions, ang karagdagang restrisyon ay makakatulong umano sa “pagsasapormal” sa ilan sa mga domestic travel rules. (CNN)