-- Advertisements --
Mayroon ng ‘go-signal’ ang Canada para sa paggamit nila ng COVID-19 vaccine na gawa ng kumpanyang Pfizer/BioNTech.
Ayon sa Health Center ng Canada, na dahil sa pagbibigay ng authorization ng COVID-19 vaccine ng Pfizer ay inaasahang matatapos na ang problema sa COVID-19.
Dumaan aniya sa mabilisang review para matugunan ang kalidad na naayon sa Canada.
Nauna ng inihayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na mayroong inisyal na 249,000 doses ng COVID-19 vaccine ang parating na.