-- Advertisements --

Binigyan na ng otorisasyon ng Canada ang Pfizer coronavirus vaccine para iturok ito sa mga bata na may edad 12 hanggang 15-anyos.

Ayon sa health ministry ng nasabing bansa, kaya sila nagbunsod nang naturang desisyon ay matapos ang nakalap nilang datos mula sa isinagawang tatlong clinical trials sa nasabing mga edad.

Nakita aniya nila na ligtas at epektibo ang bakuna sa nasabing age group.

Dahil dito, magiging kauna-unahang bansa ang Canada na payagan ang pagturok ng Pfizer vaccine sa naturang age group.