Plano ng Canada na kupkupin ang nasa mahigit 20,000 vulnerable Afghans kabilang na ang mga women leaders, human rights workers at maging ang mga reporter upang maproteksyunan ang mga ito laban sa pagganti ng militanteng grupong Taliban.
Nakatutok din ang naturang plano ng Canada government sa iba pang vulnerable na mamamayan ng Afghanistan gaya ng mga religious minorities at miyembro ng gay at lesbian community, saklaw din nito ang mga nais na lisanin ang Afghanistan at mga kalapit na bansa nito.
Ayon kay Canada Immigration Minister Marco Mendicino, habang nagpapatuloy aniya ang ginagawang pananakop ng militanteng grupo sa maraming lugar sa Afghanistan maraming mga buhay ng Afghans ang nalalagay sa panganib.
Ilang Canadian special forces naman ang nasa Afghanistan ngayon ang tumutulong sa relocation effort ng mga apektadong mamamayan sa bansa.
Maaalala, nakubkob na ng Taliban ang ikalawa at ikatlong pinakamalaking lungsod sa Afghanistan habang nagpapatuloy naman sa paglaban ang government forces sa mga militanteng grupo.