-- Advertisements --

Sumama na Canada sa real-time review ng data ng COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca at Oxford University.

Ayon kay Canadian health minister Patty Hajdu, natanggap na nila ang unang bahagi ng autnorization para sa bakuna.

Layon ng nasabing pag-review ay para mapabilis ang proseso ng paggawa ng bakuna.

Kasabay ng Canada ay ang health regulator ng European Union na nagsimula na ring i-review ang nasabing AstraZeneca.

Tinatawag na AZD1222 o ChAdOx1nCoV-19 ang bakuna ng AstraZeneca ilan lamang sa mga kumpanya sa buong mundo na nag-uunahan para makagawa ng COVID-19 vaccine na mula sa ibang kumpanya gaya ng Pfizer, Moderna at Sinovac.