Nangako ang Embahada ng Canada sa Manila na susuportahan ang mga programa ng Office of Civil Defense para mapahusay ang disaster risk reduction and management (DRRM) protocols ng Pilipinas.
Nagkasundo sina Canadian Ambassador to the Philippines David Bruce Hartman at OCD Administrator Ariel Nepomuceno sa isang partnership para mapahusay ang disaster risk reduction and management system ng ahensya sa isang pulong.
Tinalakay ng mga opisyal ng OCD at Canadian Embassy ang kooperasyon sa mga priority civil defense disaster risk reduction and management program ng OCD.
Sa isang pahayag, sinabi ng OCD na ipinahayag ni Hartman ang kanyang kahandaang makipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas para sa mas mahusay na pag-unawa sa mga pangangailangan nito sa disaster management program.
Ibinahagi ni Nepomuceno ang mga plano ng modernisasyon ng OCD para palakasin ang civil defense at kakayahan ng bansa.
Tinalakay nila ang digitalization at early warning system advancement, pagsusuri at pag-update ng disaster risk reduction and management protocols, framework, at system, at pagpapahusay ng strategic coordination.
Nagpasalamat si Nepomuceno sa gobyerno ng Canada sa pangako nitong suportahan ang Philippine disaster risk reduction and management system.
Una na rito, ang OCD at ang Embahada ng Canada ay nakatakdang magsagawa pa ng karagdagang pag-uusap ukol sa ng disaster risk reduction and management cooperation.