Target ng Canada na mapalalim pa ang defense ties nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Ito ay sa layuning mapabuti pa ang kapasidad ng mga militar ng dalawang bansa sa pagtugon sa iba’t ibang mga sitwasyon kabilang ang banta sa seguridad sa karagatan at sa tuwing may kalamidad.
Ayon sa senior official ng Canadian embassy sa Maynila, tinitignan ng Canada na magkaroon ng Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) sa PH kasunod ng paglagda ng dalawang panig sa isang memorandum of understanding on defense.
Subalit ayon sa opisyal ito ay komplikado dahil mayroong magkaibang legislative requirements ang PH at Canada.
Ilang sa mga dahilan kung bakit itinutulak ng gobyerno ng Canada ang VFA sa PH ay para mapalakas ang military training at kapasidad sa pagtugon sa humanitarian assistance and disaster relief (HADR).
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy din ang pag-uusap kaugnay sa posibleng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng PH at Japan, isang defense at security agreement para makapagbahagi ng military training at operations.