-- Advertisements --
canada trash

Inanunsyo na ng federal environment minister ng Canada ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kunin ang mga basurang itinambak nila sa Pilipinas.

Ito ay matapos maghain ang Pilipinas ng mga diplomatic protest kasunod ng mga basurang ipinadala ng Canada sa Pilipinas noong 2013-2014.

Ayon kay Environment Minister Catherine McKenna, sasagutin ng Canada ang lahat ng gastusin magmula sa preparasyon, paglipat, at pagtatapon ng mga basura.

Ayon pa rito sisiguraduhin umano nila na matatapos ang pagtanggal na ito sa huling bahagi ng Hunyo.

Kinontrata naman ng Canada ang isang pribadong kumpanya na inaasahang kukuha ng mga nasabing kalat sa mga darating na araw.