-- Advertisements --
Sisimulan na sa darating na Agosto 9 ng Canada ang pagtanggap ng mga bisita mula sa US basta sila ay nabakunahan na.
Kasunod ito sa pagbaba na ng kaso ng COVID-19 kaya nagdesisyon ang mga ito na payagan na ang non-essential travels ng mga fully-vaccinated US visitors.
Sa darating naman na Setyembre 17 ay papayagan ng Canada na makapasok ang ibang mga bansa.
Nauna nang hiniling ng mga negosyante na dapat buksan ang border para sa travel at airline industries para makabangon ang ekonomiya.